Thanks for uploading this movie, Sikil… medyo natamaan at naka relate ako… I want to share to all of you guys my story (pang MMK hehehe sana mabasa toh ni Charo… Paki print naman oh at send this to ABSCBN hehehe)… naalala ko kasi yung bestfriend ko… sana mapulutan niyo toh ng aral at mabigyan niyo ako ng payo…
Ako po ay galling sa isang maimpluwensiya, respitado at medyo nakakaangat na pamilya sa probensiya namin… Panganay sa apat na magkakapatid at naturingan na nagiisang lalaki kasi yung sumunod sakin ay bakla tapos yung dalawa naman ay mga babae… Matagal na ang parents ko dito sa America, kaya yung nagpalaki sakin ay yung Lolo at Lola ko… Dahil siguro sa pamilya ko at dahil din raw sa mabait ako, nirerespeto ako ng mga taga probinsiya namin… kunti lang kaibigan ko kasi pumipili ako ng mga kaibigan…
May of last year 2007, nagbakasyon yung parents ko at nagcelebrate ng kanilang 25th weeding anniversary… Medyo nagkaroon ng malaking party, halos lahat invited at maraming nagpunta… Dun sa party na yun una kung nakilala si Kenneth (not his real name). Siya ay kilala na siga, basagulero, chikboy, at galing sa isang broken family…
Medyo badtrip ako nung araw na iyon kasi kabrebreak palang namin ng girlfriend ko…
Sa party, Ipinakilala si Kenneth sa’kin ng mga kaibigan ko na ka brod niya sa fraternity… Dun palang parang meron na akong napansin na kakaiba sa kanya… Maalaga at ayaw niyang maiwan ako na nag-iisa… kabaliktaran ang nakilala kong Kenneth sa sinasabi nilang basagulero, etc…
Nagsasayawan na ang lahat, ako naupo lang sa mesa, iniisip yung ex-GF ko… nagulat ako nangnilapitan ako ni Kenneth… tinanung niya bakit ‘di ako sumasayaw, sabi ko naman wala akong hilig.. so he offered na samahan niya nalang ako para naman meron ako kausap…
Dami naming pinag usapan.. kahit na ilang oras pala’ng nakalipas kami nagkakilala eh parang ang tagal na naming magkaibigan… Sabi ko sa sarili ko, mabait na tao toh at satingin ko maasaan at mapagkakatiwalaan kaya gusto ko siya maging kaibigan…
Natapos yung party at around 1am… nagpaalam siya kasi meron pa raw nag-invite sa kanya sa disco sa katabing baranggay.. pinayagan ko siya… kami naman ng mga pisan ko kasama mga kaibigan ng kapatid ko nagpatuloy ang inuman sa bahay namin… sa bahay, parang di siya maalis sa isip ko kaya ipinahanap ko siya at ipinasundo… walang pang 5mins nang-ipinahanap ko siya, nasa bahay na siya… sabi niya di raw siya nagpatuloy sa disco kasi parang masgusto niya na makasama ako, makilala at maging kaibigan kaya he decided na pumunta sa bahay… we spent the night na puro kwentuhan, inuman at tawanan… sa bahay na siya na tulog… mula noon, nagging magclose kami…
Ako po yung type na tao na ‘di sanay na nag-iisa kaya kung lumalabas me kahit namimili lang dapat palaging may kasama… Nagkataon na yung mga barkada ko eh busy sa review sa board exam kaya kaming dalawa ang palaging magkasama… ‘di ko maexplain pero pagkasama ko siya, nakakalimutan ko prob ko.. ganun din daw siya… Lalong lumalim pagkakaibigan at samahan naming dalawa… wala akong malay na kami na pala ang pinag chichizmisan ng mga tao sa lugar namin. halos lahat ng grupo kami ang topic.. kumakalat na magsyota daw kami and they are wondering kung sino yung bakla samin.. hindi ko toh nalaman until nung sinabi sakin ng mga barkada ko… sabi nila, “alam mo Eduard(not my realname), kayo ni Kenneth ang pinag-uusapan ng lahat ng tao dito sa probensiya natin… kahit nga mga magulang namin nagtatanong kung ano relasyon niyong dalawa… alam mo, iwasan mo na siya, masisira lang pangalan mo… isa pa bakit kaba sumasama sa kanya, eh ‘di naman kayo magkaedad? Kaw 22 years old, siya 18 lang… kung hindi ka namin kilala siguro maninIwala na kami sa chizmiz.” sagot ko naman sa kanila, “alam ko di maganda nakaraan ni Kenneth, basagulero, at galing pa sa di magandang pamilya, pero guys, mula nang naging magkaibigan kami, nagbago na siya… Napakabait niya at Maalalahanin… at isa pa, palagi kayong busy kaya I have no choice siya palagi nakakasama ko… alam niyo naman na kabreak palang naming ng GF ko kaya gusto ko palagi gumimik..”
Wala magawa barkada ko kundi hayaan nalang ako at supurtahan ngunit pinayuhan nila ako na maghinay-hinay kasi baka niluluko lang ako…
Kinabukasan, nag-inuman kami ni Kenneth tapos he decided na sa bahay nalang matulog… sa kwarto ko, tinanong ko siya kung alam niya ang mga chizmiz samin dalawa. Sabi niya oo, ayaw nga raw ng parents niya na sumasama siya sakin kasi raw nakakahiya sa pamilya ko… tinanong ko siya kung bakit hindi niya ako iwanan at lumayo nalang sakin… I was touched sa sagot niya, “Ed, wala akong pakilam ano man sabihin nila… mahalaga ka sa’kin… wala akong pakialam ano sabihin nila… wala makakasira satin… ayaw kong sirain pagkakaibigan natin dahil lang sa chizmiz…”
Hindi ko alam kung pano nagsimula, basta meron nangyari sa’min sa gabing yun… oo, nag sex kami…
Kinabukasan, pagkagising namin, tinanong ko siya kung alam niya nangyari samin kagabi, sabi niya oo at di raw siya nagsisisi… tinanong niya sa’kin kung ano gusto ko mangyari… di ako makasagot sa una…
sabi ko: “Ken, di tayo mga bakla.. pero di ko alam kung ano toh nararamdaman ko.. tang-ina, nadedevelop na ata ako sa iyo.. ‘Lam ko mali to, pero parang wala akong pakialam… naguguluhan ako..”
sagot niya sakin, “ako rin.. iba ka kasi sa lahat ng naging kaibigan ko… sa’yo, di ko kailangan magpanggap, di ko kailangan itago lahat ng problema ko… ewan ko kung pano o bakit nagkaganito… pero parang nadevelop din ako sa iyo.. mahal kita Ed.. sana walang magbago satin… wag natin hayaan masira relasyon natin sa chizmiz at sa gusto ng ibang tao.. friendsforever…”
Mula noon, every other night sa bahay siya natutulog at palaging meron nangyayari saamin…
Mag-iba school naming pero palagi niya akong hinihintay sa labas ng school ko at sabay kami umuuwi… Minsan naman pagnauuna matapos klase ko, sinusundo ko naman siya sa school nila…
Mula noon, di ko na kailangan ng body guard kasi feeling ko safe ako pagsiya kasama ko…
Ang dami experiences namin… kapag meron ako mga problema, siya at mga barkada ko ang nalalapitan ko… kapag siya naman meron prob, palaging handa ako tumulong sa kanya… minsan nga nung nagkakasakit siya, ako nagpapaospital sa kanya kasi hindi siya inasikaso ng kangyang mga magulang…
Ang palabas naming sa mga tao eh magbestfriend lang kami… Pero pagkami nalang dalawa at walang nakakakita samin, daigpanamin yung magsyota…
Nung mag 3 months na kami, nagpasya kami na magcelebrate sa Palawan… Nagbakasyon kami, kami lang dalawa… sobrang nag enjoy kami…
Pag-uwi namin galing Palawan, lalong tumindi ang chizmiz about samin dalawa…
Napansin ko, medyo iniiwasan na niya ako… Patago kung pumupunta siya sa bahay… tapos parang ikinahihiya niya ako…
Dahil dun, kami po ay nag-away… Nasuntok ko po siya, ngunit siya po ay hindi lumaban sa’kin…
Sabi ko sakanya, “Kung ayaw mo na itong relasyon natin, sabihin mo sa’kin at hindi yung iiwasan mo ako… hindi ko naman ito ginusto pero mahal na kita…”
Ito naman sinagot niya sa’kin: “mahal din naman kita… ‘di mo lang alam ano mga pinagdadaanan ko… ok lang sa’kin kung ako ang sinisiraan pero masnasasaktan ako na pati ikaw sinisiraan nila… siguro nga dapat tigilan na natin ito…”
Iyon na ata ang pinakamatinding pagsubok sa relasyon namin…
Tinawag ko mga barkada ko at nag-inuman kami… Tinanong ako ng isa sa barkada ko, “Ed, ano problema… sabihin mo sa’min… baka matulungan ka namin…”
“mga chong, meron ako aaminin sa inyo… tutuo ang mga chizmiz… nadevelop ako kay Kenneth… ‘di ko alam kung bakit o pano nangyari, pero mahal ko siya… tang-ina! ‘di ako bakla pero ano itong nararamdaman ko sa kanya? Putang In$! ngayon alam niyo na tutuo, walang akong pakialam kung lalayo kayo sakin o ikakamuhi niyo ako…”siguro naparami inom ko kasi naipagtapat ko yun sa mga barkada ko…
Pero, hindi ko iniexpect ang sinagot nila, “matagal na naming yan napansin… hinihintay lang namin na ikaw mismo ang umamin… mga tunay mo kaming kaibigan… para ano pa pinagsamahan natin since pagkabata… accept naming kung sino at ano ka…siguro confused kalang ngayun.. maasahan mo kami pare… at asahan mo, poprotektahan ka namin… walang makakaalam nito… at sa oras na saktan ka ni Kenneth, kami mismo ang gugulpi sa kanya… pare, kahit ganyan ka, hindi mawawala respito namin sa’yo… mabait ka na tao at marami kang natutulungan… tropa tayo forever!”
Hahay… medyo napaluha ako ng marinig ko yun galing mismo sa mga bibig ng mga barkada ko…
Ipinagtapat ko rin sa kanila na nag-away kami ni Kenneth at kung ano yung reason bakit kami nag-away… Nagalit ang tatlo kong barkada at balak bugbugin si Kenneth… Pinigilan ko sila… sabi ko sa kanila, hayaan nalang… maayos panaman ito…
Tatlong araw hindi kami nagkita ni Kenneth.
Nakausap ko ang isa niya brod sa fraternity, sabi sa’kin ‘di na raw umaattend ng frat meeting nila si Kenneth mula nung naging magclose kami…
Nakausap ko ate ni Kenneth sabi sa’kin di raw umaalis ng bahay nila at madalas naglalasing daw at minsan nakikita niyang umiiyak…
Medyo na guilty ako… Gusto ko siyang makausap…
Isang gabi, pumunta sa bahay naming yung boyfriend ng sister ko… nag inuman kami dalawa.. tapos di ko enexpect nag open siya sakin… sabi ng bf ng sister ko, “kuya, alam mo bilib at naawa ako sa bestfriend mo na si Kenneth… bilib ako kasi sa kabila ng lahat, ipinaglalaban niya pagkakaibigan niyo… dami niyang isinakripisyo para sa’yo kuya… fraternity niya, mga kaibigan niya, parents niya at kahit buhay niya ay handa isakripisyo para sa’yo… yun ngalang naaawa ako sa kanya kasi hindi siya katulad mo.. ikaw, mataas ang tingin ng mga tao sa iyo at nererespito ka nila.. hindi ka nila kayang pagsalitaan, kutyain, matahin.. pero siya, kawawa.. siya yung palaging kinukutya at binibiro ng mga tao, ng frat niya, kahit nga mga kaibigan niya… alam niyo po, kung ‘di ko kayong dalawa kilala, eh masasabi ko rin na magsyota kayo… pero alam ko naman lalaki ka… naging mag gf nga kayo ni Karen, ang pinakamagandang babae ditto sa probensiya natin at balita ko meron kang naanakan sa manila…”
Nang marinig ko yun, di ko alam kung ano magiging reaction ko… ‘di ko maexplain naramdaman ko… naguilty ako… nagalit ako sa sarili ko…
The next morning, humingi ako ng tulong sa barkada ko na magkausap kami ni Kenneth… Hapon na nang nag usap kami ni Kenneth… sabi ko sa kanya, “Neth, sorry sa lahat… alam ko mga pinagdaanan mo… alam ko mga sakripisyo na ginawa mo para sa relationship natin… nahihiya ako saiyo… kasi dahil sakin, parang nasira ko buhay at pangalan mo… hindi tayo ganito… hindi ganito yung tingin ng mga tao sa atin noon… satingin ko, mali ito… satingin ko, dapat tigilan na natin to… pero mahal kita…”
Sumagot siya na lumuluha, “Ed, sorry din… wala akong pakilaam kahit ano sabihin ng mga tao sakin… wala akong pakialam kahit na itakwil ako ng pamilya ko… pero pls… wag kang sumuko… bigyan natin ng isa pang pagkakataon relationship natin… wag natin isuko pagkakaibigan natin… mahal kita…”
niyakap niya ako… napaiyak din ako.. ala ako magawa.. mahal ko rin siya… ngunit alam ko talagang mali ito.. ‘di ito matatanggap nga mga magulang ko… malaki expectations sa kin ng mga tao… hindi kami ganito noon… ‘di kami mga bakla pero bakit nagmamahalan kami?…
Nagkaayos kaming dalawa at nagpatuloy relasyon naming… kadalasan kung gumugimik kami, kasama naming barkada ko… sa barkada ko, hindi naming kailangan itago pagmamahalan naming… kinausap lang si Kenneth ng mga barkada ko na huwag na huwag akong lokuhin at saktan kasi pagnangyari yun sila mismo gugulpi sa kanya.. nangako naman si Kenneth sa kanila na kailanman hindi niya ako lolokuhin at sasaktan kasi mahal na mahal niya ako…
Isang araw, tumawag daddy ko sa’kin… umabot na sa America yung chizmiz… tinanong ng dad ko kung tutuo ba ang mga naririnig niya… sabi ko hindi… sabi ko magbestfriends lang po kami… nagalit dad ko.. ayaw niya makakarinig nga mga chizmiz.. gusto niya iwasan ko na si Kenneth at sumunod na sa America.. ala ako magawa kundi sumunod sa mga sinabi ng dad ko…
Kinabukasan, nag-usap kami ni Kenneth, sabi ko sa kanya, “Neth, pinasusunod na ako ng erpatz ko sa US…” di siya sumagot… tahimik lang siya at nakatingin sa malayo…
Sabi ko, “Neth, kailangan ko sumunod sa dad ko… ‘di bale ilang buwan pa naman yun… after ko mag graduate sa October aasikasuhin ko na papers ko… siguro, para rin ito sa’tin dalawa.. siguro kailangan din natin malayo sa isa’t isa para masmakilala natin sarili natin.. malay natin hindi true love itong nararamdaman natin… pagnagkahiwalay na tayo, baka makakilala tayo ng babae na iibigin at magiging girlfriend… ano sa tingin mo?”
Medyo matamlay siyang sumagot, “kung yan ang gusto mo, ‘di kita pipigilan… basta itong tandaan mo, mahal na mahal kita at sigurado ako sa nararamdaman ko sa’yo..” niyakap niya ako..
For the remaining months, walang araw na di kami magkasama… walang araw na di kami nag-uusap… palagi ko siya sinasama kahit na sa pag aasikaso ng papers ko… kahit saan ang lakad ko, palagi siyang kasama… wala kaming pakialam kahit ano sabihin ng mga tao… importante sa’min magkasama kami…
2 days before my flight, we spent the whole day together… sabi niya sakin, sa pag-alis ko, mamimis ko raw ang bayan namin… kaya sa buong araw na iyon, nilibot niya ako sa buong bayan, sa lahat ng park, sa lahat ng tambayan, sa mga shoping center, sa mga restaurants, halos lahat ng lugar sa’min napuntan naming magkasama… pagsapit ng gabi, we ate dinner sa isang restaurant sa tabi ng dagat…
it was so romantic and memorable..
doon sa restaurant, inopen niya sakin lahat2x ng sekreto niya na di pa niya nasasabi sa’kin… kahit na mga past relationships niya sa mga girlfriend niya naikwento din niya… pagkatapos naming kumain, we both decided to spent the night together.. nag check-in kami sa isang hotel..
sa kwarto ng hotel na yun.. mas ipinaramdam niya sa’kin na mahal na mahal niya ako at ayaw niya magkahiwalay kami… mahigpit ang mga yakap niya… ginawa naming lahat ng di pa naming nagagawa… pagkatapos nun.. ‘di na kami natulog tahimik lang kaming dalawa na magkayakap na hinintay ang pagsikat ng araw… parang ayaw namin umuwi at magkahiwalay… pero hahanapin na ako sa bahay at kailangan naming umuwi kasi maghahanda pa sa bahay para sa despidida party sa’kin…
At the Last night before my flight sa US, nagkaroon ng dispidida party… maraming dumalo… maraming nagbigay ng magagandang speeches and wishes sakin… mga kabutihan ang lahat ng narinig ko sa mga tao, mga pasasalamat nila sakin sa mga naitulong ko sa kanila, yung iba sa pag-aaral, yun iba sa family problems, yung iba sa financial… they all wished me good luck at sinabi nila na hindi nila ako makakalimutan…
nag-attend din si Kenneth sa party ko, pero hinidi siya nagbigay ng message..
ginawa niya, palagi siya nasa tabi ko kahit saan ako magpunta at tinutulungan niya ako mag entertain ng mga bisita..
most of my visitors, kasama ang mga barkada ko, decided na hindi na umuwi sa kanila at hintayin nalang ang umaga… sabi nila ihahatid nila ako sa airport…
habang nag-iinuman sila, I excused myself kasi kailangan ko pa mag impake at maaga pa flight ko…
Si Kenneth, di nawala sa tabi ko… habang ako nag eempake, nasa room ko lang siya at tahimik na pinagmamasdan ako…
Nang matapos na ako mag empake at ilang oras nalang before my flight, niyakap niya ako ng mahigpit at sinabi na, “mamimiss kita ng sobra… Eduard, salamat sa lahat lahat… mahal na mahal kita… kailan man ‘di ko kaw makakalimutan… hihintayin ko pagbalik mo…”
Mahigpit mga yakap niya tila ayaw niya akong pakawalan…
‘Di naming dalawa mapigil mga luha namin…
Pumasok tita ko at nakita kaming umiiyak at magkayap…
Sabi ng tita ko, “naku dramatic pala itong magbestfriend na ito… wagkang mag-alala Kenneth, babalik yan. Oh sige na.. lumabas na kayo kasi maraming naghihintay sa inyo at para makakain na rin kayo …
Di ko malilimutan ang pagpunta ko sa airport…
Medyo nakakatawa kasi para akong patay na ihahatid sa huling hantungan…
Medyo mahaba convoy ng sasakyan na humahatid sakin…
sa van kung san ako nakasakay, kasama ko mga barkada ko, katabi ko si Kenneth. ‘di ko mapigilan luha ko habang papunta ng airport..
si Kenneth naman pinipigilan na umiyak siya… mga barkada ko, napapaluha rin..
pagdating naming sa airport, niyakayap ko mga relatives ko na humatid sakin… nag group hug din kami ng barkada ko.. yung iba nagbiro pa na wag ko raw gawin halo-halo ang snow…
kinamayan ko naman yung iba kung mga kaibigan at mga kasambahay na humatid sakin…
before ako pumasok checkin, niyakap ko si Kenneth ng mahigpit… mahigpit din yakap niya sakin…
sabay kami napaiyak… napaiyak din mga relatives ko…
kailangan ko na mag checkin at pumasok sa predeparture area… hindi na kami nag usap ni Kenneth… niyakap niya lang ako ng mahigpit… before ako pumasok nag joke ako sa lahat.. sabi ko, “hindi pa ako mamamatay.. babalik pa ako at magkikitakita pa tayo muli.. kaya wag na kayong umiyak.. hehehe”
nagsitawanan yung iba.. napa smile din si Kenneth… ako naman, pinigilan ko luha ko until sa time na boarding na kami… doon na tumulo luha ko…
nang nasa runway na ang eroplano, nakita ko sila sa maybakod malapit sa runway waving good bye.. pero and nagpatulo ng luha ko ay nung nakita ko si Kenneth na nakatayo.. nakatitig lang sakin at lumuluha…
Pagdating ko sa manila at ng patransfer na ako ng eroplano, na receive ko messages nila… pero ang pinaka importanteng message na narecieve ko ay ang message ni Kenneth na sabi sakin na mahal namahal niya ako, kaylan man di niya ako makakalimutan…
Pagdating ko sa America, siguro matatawag ko na ako ung pinaka unique sa lahat ng mga Pilipino kasi sa case ko, dumating ako na malungkot… gusto ko sumakay uli ng eroplano pauwi sa pinas..
pero sabi ko sa sarili ko, ito ang nararapat… di ko kayang biguin mga magulang ko… mahal ko si Kenneth pero ‘di yon ang tama.. ito ang tama…
naka roaming ang cell ko kaya narerecieve ko messages nila.. pero I decided na hindi magreply sa kanila.. narerecieve ko rin message ni Kenneth na miss na miss niya na ako at mahal na mahal… sabi niya mag-ingat ako lagi at tawagan ko siya…
for one week di ako nagreply sa kanila.. araw-araw tinitiis ko na di replyan mga message nila… until one day, sabi ko sa sarili ko, kailangan kong harapin ang lahat… kailangan kong gawin ang tama at nararapat… kailangan kong kausapin si Kenneth.. sana mapatawad niya ako… Tinawagan ko siya…
Pagsagot niya palang, naramdaman ko na na sabik na sabik siyang marinig boses ko… kinumuzta niya ako sinabi niyang sobrang miss na miss na niya ako at kahit kalian ‘di magbabago pagmamahal niya sa’kin… ‘di muna ako nagsalita… hinayaan ko muna matapos siya… Tinanong niya bakit ang tahimik ko… bakit hindi ako nagsasalita?
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko… hindi ko alam kung paano ko sisimulan… Marahan kong sinabi sa kanya na, “Neth, makinig ka sa sasabihin ko at please hayaan mo muna ako matapos… alam ko na mahal na mahal mo ako… mahal na mahal rin kita.. pero mali itong relasyon natin… kapwa tayo lalake… kapwa tayo lang ang maasahan sa pamilya natin na magdadala ng apelyido… kapwa malaki ang expectations ng mga tao sa’tin… Neth, mahal kita… pero hindi ko kayang biguin ang mga magulang ko… mali ang pagmamahal na ito… tigilan na natin ang maling relasyon na ito… bigyan natin ng pagkakataon makilala natin ang mga sarili natin… hindi naman tayo ganito noong una… subukan natin maghanap ng girlfriend… mga bata pa tayo… confused lang siguro tayo… neth, alam ko mahirap itong disisyon na ito.. pero satingin ko ito ang tama… hindi ko makakalimutan mga pinagdaanan natin… kahit na ganito, gusto ko parin na maging magkaibigan tayo… kaibigan lang.. sana maintindihan mo ako…”
Nang sinasambit ko ang mga salitang iyon, pinipigilan ko sarili ko na umiyak… gusto ko magpakatatag…
Tahimik ang line… ilang seconds muna before siya sumagot… Naririnig kong umiiyak siya at parang nagwawala… guilty at labis na pag-aalala ang naramdaman ko…
Nagsimula siyang nagsalita…. “Ed, kung ‘yan ang gusto mo… wala akong magagawa… napakalayo mo sakin… pero kahit kalian tandaan mo ito: mahal na mahal kita… magka girlfriend man ako, ‘yon ay hindi dahil nakalimutan na kita kundi dahil gusto kong makalimutan kita… alam mo ano masdapat? Dapat siguro tigilan na natin kahit ang pagkakaibigan natin… maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sakin… walang makakapalit sa’yo sa puso ko pero pipilitin kong kalimutan ka… ito na ang huli nating pag-uusap… salamat sa lahat paalam…”
Binaba niya ang phone…
‘di ko mapigilan sarili kong umiyak… gusto ko nang mamatay sa mga oras na yun… galit na galit ako sa sarili ko… labis akong nag-aalala sa kanya… tinawag ko sarili ko na gago.. tanga.. Pinakawalan ko ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko… ang pinakamamahal ko… Sinubukan kong tawagan cell niya pero hindi ko na macontact…
After a week, I tried to call his number again, pero di ko macontact… I ask my friends na puntahan si Kenneth sa bahay nila kasi gusto ko siyang makausap… pero ayaw na niya akong kausapin…
A friend told me na nagchange na raw si Kenneth ng number… he also told me na for that week, palaging naglalasing si Kenneth at kung sino-sino ang sinasamahan…
Sobrang guilty ako… nagpatulong ako sa mga barkada ko na alamin yung new number niya…
Nang makuha ko new number niya, I tried na tawagan pero ayaw sumagot… ginawa ko, I sent him a message.. and this is my exact message:
“Neth, I’m very sorry sa lahat… alam ko mahirap at napakasakit ang ginawa ko… pero hindi lang ikaw ang nahihirapan at nasasaktan… ako rin… kailangan natin magsakripisyo para sa mga taong mahal natin… neth, pls ‘wag mong sisirain buhay mo… pahalagahan mo sarili mo… neth, naniniwala parin ako sa pagmamahal… ayusin muna natin mga buhay natin… malay natin pagdating ng panahon, magpasalamat pa tayo na ganito ang nagging disisyon natin… alam kong medyo mahirap mo akong mapatawad… tatanggapin ko yun… mahal na mahal kita Kenneth pero mali ito sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao… marami na tayong nagawang pagkakamali… dapat itama na natin ang lahat… Neth, kung tunay na mahal mo ako, huwag mong papabayaan ang sarili mo… Sa pagtatama ng mga mali, mahirap sa una pero masasanay din tayo… Sana maging magkaibigan parin tayo… Ingat ka lagi… Paghanda ka na o pag meron kang problema, andito lang ako isang kaibigang handa tumulong sa’yo…”
Hindi siya nag reply…
Kinabukasan sinubukan kong tawagan siya muli pero hindi ko na macontact number niya. Siguro nagbago nananaman siya ng number…
Mahirap mawalay sa taong minamahal mo lalo na’t nasanay ako na palagi siyang nasatabi ko… Sa bawat araw na lumilipas, hinding hindi siya maalis sa isip ko… hindi lumipas ang isang gabi na hindi ako humiling sa Diyos na sana ay magkatabi kami…
Nakuha ko na gusto ko… ang mawala sa kanya… Pero ito ngaba ang tunay na gusto ng puso ko? Siguro tama ang disisyon na ginawa ko… Pero sana hindi na giba ang pagkakaibigan namin… Siya ang pinakamatalik kong kaibigan… Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko…
Tatlong buwan na ang nakalipas… tatlong buwan na rin na hindi niya ako kinakausap… Ngayun, medyo nakakamove-on na ako… Nagkabalikan na kami ng ex-girl friend ko na susunod sakin dito sa America next month.. Pero kahit ganun, ‘di parin siya mawala sa isip ko… Hindi medaling basta nalang kalimutan ang mga napagdaanan naming, ang mga masasayang araw, mga sakripisyo, at ang pinakamagandang pagkakaibigan natamo sa kanya…
Nabalitaan ko sa mga kaibigan ko na siya naman ay meron naring Girl Friend… Palagi nga raw silang magkasama… Masaya ako para sa kanya pero hindi mawala sa isip ko ang mga salita niya na, “mahal na mahal kita… kailanman ‘di yun magbabago… magkagirlfriend man ako hindi ibig sabihin na nawala na ang pagmamahal ko sa’yo… magkagirlfriend man ako ay dahil sa pilit kong susundin ang gusto mo at pilit kong uutusan ang puso ko na kalimutan ka… pero satingin ko mahirap mangyari yun… walang makakapalit sa’yo sa puso ko…”
As for now, I’ll let destiny and time decide as to whatever fate our friendship will have in the future… sa ngayun, kailangan ko ayusin ang buhay ko ditto sa America at siya naman sa Pilipinas.. we have to live our own lives far from each other… I’ll just keep the memories we had vague…
Patuloy ang buhay… Naway gabayan kami sa tamang landas, sa tamang kapalaran, at sa tamang pagmamahal…
“Kung talagang para sa iyo ang isang tao, Mawala man siya sa’yo ng mahabang panahon Magkikita parin kayo Kapag tama na ang mali At kapag pwede na ang ‘di dapat…”
No comments:
Post a Comment